REFRESHER COURSE ON WATER SEARCH AND RESCUE, ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Tagumpay na isinagawa ang pagsasanay ng mga first aid responders ukol sa pagtataguyod ng kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang mga turista na bumibisita sa lungsod ng Alaminos.

Layunin ng aktibidad ay upang mapahusay ang kasanayan at kahandaan ng mga first aid responders sa maagap na pagresponde sa mga sitwasyong emergency, sakuna at rescue operations, nagsagawa ng Refresher Course on Water Search and Rescue (WASAR) ang pamahalaang lungsod ng Alaminos.

Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna na CDRRM Officer Mylene O. Manalastas ang nangasiwa sa dalawang araw na pagsasanay na isinagawa sa Hundred Islands National Park (HINP).


Facebook Comments