Regine Velasquez, inatake ng anxiety

Diretsahang inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na mas tumitindi pa ang nararamdaman nitong kalungkutan sa estado ng kanilang trabaho sa ABS-CBN.

Say ni Regine, aminado itong habang tumatagal ay napanghihinaan na raw ito ng loob dahil sa mga nangyayari.

Dagdag pa ng singer-actress, ang nakakalungkot pa rito ay parang ikinatuwa pa aniya ng mga taong dapat ay nagtatangol sa kanilang karapatan ang pagbasura sa prangkisa ng kanilang network.


Una nang nakaramdam ng pagkalungkot si Regine nitong nadaang community quarantine.

Facebook Comments