REGION 1 HANDA UMANO SAKALING MAGKAROON NG ALOKASYON NG PFIZER COVID-19 VACCINE

22

Inihayag ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 na handa ang rehiyon sakaling magkaroon ito ng alokasyon ng Pfizer Covid-19 Vaccine.

Ayon kay DOH Region, Information Officer, Dr. Rheuel Bobis, mas maselan ang bakunang ito na nangangailangan ng -7°C na temperatura kumpara sa Astrazeneca at Sinovac.


Aniya, mayroon naman umanong ultra low freezer ang mga probinsya at Hospital sa rehiyon na maaaring paglagyan ng bakuna.

Sa ngayon, wala pang pinal desisyon kung mabibigyan ang rehiyon ng suplay ng bakunang pfizer sapagkat prayoridad ang mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments