Region 1 Launching ng 43rd Nutrition Month Matagumpay na Naidaos Ngayong Araw!

303

Matagumpay ang naging Regional Launching ng 43rd Nutrition Month na may temang “Healthy Diet, Gawing Habit! For-Life” ngayong araw sa La Union National High School na pinangunahan ng National Nutrition Council Region 1 at Department of Health Region 1, sa pakikipagtulungan ng DepEd RO 1, RLNAO, LUPang Ilocos BNS Federration, La Union PNAO, RONDA-1, at KBP Pangasinan & La Union Chapter.


Nagkaroon ng programa sa pagsisimula ng launching na dinaluhan nina DepEd RO 1 Regional Director Dr. Alma Ruby Torio, Division Superintendent Fatima Boado, SGOD Chief Jose Marie Almeda, LUNHS Principal Madeleine Corpuz, DOH RO 1 Dr. Ronia Aragon and Dr. Veronica de Guzman, RLNAOs President Floramante Yadao, LUPang Ilocos BNS Fed. President Nory Estoesta and La Union PNAO Remelina Maglaya, at NNC-1 Regional Coordinator Ms. Eileen Blanco upang ibahagi ang mahala at malusog na mensahe para sa lahat ng mga magulang at mag-aaral na sumisentro sa wasto at healthy diet. Hinikayat ng mga panauhing pandangal ang mga estudyante na tangkilikin ang masusustansyang pagkain sa loob at labas ng kanilang paaralan. Bukod dito ay pinalawak at pina-igting ng National Nutrition Council ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng social media kung saan ay hinikayat ang lahat ng mga netizens na makiisa sa 43rd Nutition Month Pagbati Challenge at ang paggamit ng mga hashtags na #NutritionMonth2017PagbatiChallenge at #HealthyDiet4Life sa pag-post ng kanikanilang video greetings.

Nagkaroon din ng press conference sa nasabing launching day ng 43rd Regional Nutrition Month kung saan ay singot isa isa ng mga panelists ang mga katanungan na may kinalaman sa proper diet and healthy lifestyle na kampanya ng NNC-1, DOH-1, sa pakikipagtulungan ng DepEd Region 1 na punterya ngayon ay mga mag-aaral. Ibinahagi rin sa nasabing press conference ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para masigurong ma-implement ang mga programa nitong may kinalaman sa kalusugan.

Tag: 43rd Nutrition Month, Healthy Diet Gawing Habit, Regional Launching, iFM Dagupan, KBP Pangasinan, KBP La Union, NNC, DOH, DepEd

Facebook Comments