Registration ng Duterte Youth Party-List, kinansela ng Comelec

Sa botong 2-1, nagdesisyon ang Commission on Elections (COMELEC) Second Division na tuluyang kanselahin ang registration ng Duterte Youth Part-List sa kabila ng panalo nito noong midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nag-ugat ang desisyon sa ihinaing petisyon ng grupo ng mga kabataan noong 2019.

May kaugnayan ito sa paglabag sa material representation matapos napag-alaman na 34 years old na ang nominee ng party-list group na si Ronald Cardema nang tumakbo noon.

Nakasaad sa Party-List System Act dapat nasa edad 25 hanggang 30 lamang ang pinapayagang party-list representative sa youth sector.

Nilinaw naman ng poll body na hindi pa pinal ang desisyon at wala itong epekto sa pagkapanalo ng grupo noong nakaraang eleksyon dahil maari pa silang maghain ng motion for reconsideration sa loob ng limang araw.

Una nang sinuspinde ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-List dahil na rin sa naturang kaso.

Facebook Comments