Pinulong ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mga TODA members sa buong bayan upang talakayin ang mga regulasyon sa pamamasada at obligasyon ng mga tricycle drivers.
Ipinaalalang muli sa mga driver ang kahalagahan ng pagtalima sa pagkakaroon ng prangkisa bago pumasada at maiwasan ang presensya ng mga colorum at pagmamalabis o overcharging ng mga ito.
Kabilang pa sa mga tinalakay sa forum ang striktong pagpapatupad ng tamang istasyon kung saan tanging pasahero mula sa kanilang lugar ang isasakay upang maiwasan ang iringan sa mga driver.
Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa pagsunod sa mga itinakdang regulasyon upang mapangalagaan ang mga komunidad sa posibleng aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments