REHABILITATION | Estrella-Pantaleon bridge, isinara na

Isinara na nitong linggo sa mga motorista ang Estrella-Pantaleon bridge na nagkokonekta sa mga siyudad ng Makati at Mandaluyong.

Sasailalim ang nasabing tulay para sa rehabilitasyon at repair.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang pagsasaayos sa Estrella-Pantaleon bridge ay tatagal ng tatlumpung buwan o dalawa’t kalahating taon.


Payo ni Pialago sa mga motorsista, dumaan na lamang sa alternatibong ruta.

Facebook Comments