REHABILITATION | Ground breaking rites sa Marawi, isasagawa sa susunod na linggo

215

Eksaktong isang taon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City sa kamay ng teroristang Maute group, isasagawa na sa October 17 ang groundbreaking rites para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Ayon kay task force Bangon Marawi Secretary Eduardo Del Rosario, mahalaga ang October 17 kaya at sa araw na ito itinakda ang groundbreaking ceremony.

Nasa P15 bilyon hanggang P16 bilyon ang inaasahang magagastos para sa rehabilitason ng 250 ektarya ng ground zero na sakop ng 24 na barangay.

Target anya na matapos ang muling pagsasaayos sa lungsod sa 2021.

Facebook Comments