Reinfection sa mga taong tinamaan ng COVID-19, may ebidensiya nang magpapatunay

May ebidensiya nang magpapatunay na posibleng maganap ang reinfection sa mga taong tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Project ARK Medical Team leader Dr. Minguita Padilla, nangyari ito sa isang lalaki sa Hong Kong kung saan muling bumalik ang virus matapos itong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, muling umapela si Padilla sa publiko na proteksyonang maigi ang sarili at gawin pa rin ang minimum health protocols, dahil kahit gumaling na sa COVID-19 ang isang tao ay maaari pa rin itong mahawa sa sakit.


Facebook Comments