Reinvestigation sa PDAF scam, pinatitiyak ng kongresista na walang makakalusot

56

Manila, Philippines – Suportado ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang desisyon ng Department of Justice na muling imbestigahan ang PDAF o pork barrel scam.

Ayon kay Zarate na kailangan ng imbestigasyon na sisiyasat sa bawat pangalan na sabit sa kaso upang malaman ang mga opisyal na sinadyang iligtas dito ng nakaraang administrasyon.Pero dapat din umanong tiyakin ng Duterte administration na walang makakaligta sa pork barrel scam reinvestigation kahit pa ang mga bago nitong kaalyado.


Maaga ding paalala ng kongresista, hindi dapat ito mangahulugan na makakalusot si Janet Lim Napoles sa anomaliya.

Kabado dito si Zarate dahil una nang naabswelto ng Court of Appeals si Napoles sa kasong serious illegal detention.

Facebook Comments