Reklamo laban kay Senator Sotto, pag-aaralan ng Senate Ethics Committee

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Senate Ethics Committee ang inihaing reklamo ng ilang grupo ng mga kababaihan laban kay Senator Tito Sotto III.

Ito ang inihayag ni Senator Panfilo Ping Lacson, vice chairman ng Ethics Committee.

Si Senator Sotto ay naghain ng leave bilang chairman ng nasabingg committee bilang delicadeza dahil may reklamong nakahain laban sa kanya.


Nag-ugat ang reklamo sa biro ni Senator Sotto sa pagdinig ng Commission on Appointment kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo na ang mga single parents ay “na-ano lang.”

Ayon kay Senator Lacson, uunahin nilang pag aaralan kung may hurisdiksyon ang Committee on Ethics sa Commission on Appointments na isang constitutional body.

DZXL558

Facebook Comments