Reklamong inihain ni Senator Trillanes at Magdalo Rep. Alejano sa ICC, minaliit lang ng Malacañang

Manila, Philippines – Minaliit lang ng Malacañang ang reklamong inihain nina Senator Antonio Trillanes IV at Magdalo Rep. Gary Alejano sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, patunay ito na mahina ang unang reklamong inihain ni Atty. Jude Sabio sa ICC na aniya’y ibinase lang sa tsismis o sabi-sabi.

Tila hindi rin aniya naiintindihan nina Trillanes at Alejano na “court of last resort” na ang ICC.


Ibig sabihin, pwede ka lamang maghain ng reklamo sa ICC kung lahat ng domestic legal remedies ay ginawa na rito sa bansa.

Sa huli, sinabi ni Panelo na kampante siyang mababasura lang ang naturang reklamo.
DZXL558

Facebook Comments