Reklamong inihain sa DOJ laban kay Sen. Pimentel kaugnay ng paglabag sa quarantine protocols, submitted for resolution na

130

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na submitted for resolution na ang inihaing reklamo sa DOJ laban kay Senator Koko Pimentel.

May kinalaman ito sa reklamong inihain ni dating Makati School of Law Dean Atty. Rico Quicho kaugnay ng sinasabing paglabag ni Pimentel sa quarantine protocols.

Sinabi ni DOJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na inatasan niya na rin ang piskal na humahawak sa kaso na maglabas ng resolusyon sa lalong madaling panahon.

Matatandaang nitong Setyembre, binuksan muli ang preliminary investigation sa kaso ni Pimentel matapos na makumpleto na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Una nang naghain ng reklamo sa DOJ si Quicho hinggil sa aniya’y paglabag ni Pimentel sa RA 11332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act, at iba pang paglabag sa health protocols ng Department of Health matapos ang pagpasok ng Senador sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang buntis na maybahay.

Ito ay sa kabila ng itinuring nang Person Under Investigation (PUI) si Pimentel at kalaunan nga ay nakumpirmang siya ay COVID-19 positive.

Facebook Comments