Rekomendasyon at feedbacks, malaking bagay para sa improvement ng mga produkto ng Persian Kebab House

Bagama’t bago pa lamang ay patok na agad sa ilang Pilipino ang Persian foods na alok ng Persian Kebab House na nagsimula nitong 2020.

Sa Interview ng Business as Usual ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ikinwento ng co-owner nito na si Mehdi Nejadgholami na sinimulan nila ang negosyo dahil sa paghikayat ng kanilang mga kaibigan lalo na’t mahilig din naman ang mga Pinoy na sumubok ng mga bago.

Ayon kay Mehdi, authenticity ng Persian foods ang kanilang panlaban kagaya ng kanilang best seller na kebab.


Malaking bagay rin aniya na naging bukas sila sa mga rekomendasyon at feedbacks ng customers upang pasarapin pa ang kanilang mga produkto.

Sa ngayon, available na rin ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang online food delivery apps.

Facebook Comments