
Umaasa si House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na magpapatuloy ang paglago ng ating ekonomiya sa mga susunod na buwan matapos maitala ang 5.4% na gross domestic product sa unang quarter ng 2025.
Kaugnay nito ay plano ni Salceda na maglatag ng mga rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na makakatulong para patuloy na makayanan ng Pilipinas ang tumitinding mga pandaigdigang hamon.
Pangunahing suhestyon ni Salceda para mapanatili ang magandang lagay ng ekonomiya ay gawing mas madali at mas mababa ang gastos sa exportation o pagluluwas ng iba’t ibang produkto.
Giit pa ni Salceda, dapat ding gawing simple at mabilis ang proseso sa aplikasyon at pag-iisyu ng mga lisensya, permit at patakaran sa pagkuha ng mga dokumento para sa pakikipagkalakalan at pagkakaloob ng tax incentives.