Rekomendasyon sa kaso ng narco judges, naisumite na ng SC en banc

Manila, Philippines – Kinumpirma  ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na may naisumite na sa kanilang rekomendasyon kaugnay ng kaso ng narco-judges.

Ayon kay CJ Peralta, nasa Supreme Court en banc na ang mga rekomendasyon at kanila na itong dedesisyun sa mga susunod na en banc sessions.

Una nang naglunsad ang Korte Suprema ng fact finding investigation at inventory ng drug cases na hinawakan ng mga inaakusahang narco-judges.


Si CJ Peralta ay humarap sa media matapos ang pagkakahirang sa kanya bilang punong mahistrado, tatlong linggo na ang nakakalipas.

Facebook Comments