Relasyon ng Pilipinas at India, palalalimin ni Pangulong Duterte

33

Manila, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Indian Prime Minister Narenda Modi.

Ayon kay Duterte, nais pa niyang palalimin ang relasyon ng Pilipinas at India.

Inimbitahan rin ni Duterte si Modi na bumalik sa Pilipinas at mag-invest sa medisina.

Lumagda rin ng Memorandum of Understanding ang dalawang lider kung saan kabilang na sa MOU ang agriculture and related fields, foreign services, at cooperation on micro, small, and medium enterprises o msme.

Inanyayahan din ni Modi si Duterte na bumisita sa India sa Enero para sa Indian summit.

Facebook Comments