Relasyon ng Pilipinas sa Australia, mas pagtitibayin pa

35

Suportado ng Pilipinas at Australia na pagtibayin pa ang relasyon ng dalawang bansa kaugnay sa civil maritime security sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Steve Robinson, kasabay ng pagdiriwang ng ika-75th diplomatic ties ng Pilipinas at Australia ngayong linggo, nakikipagpulong na sila sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police Maritime Group at sa Department of National Defense (DND) upang pag-usapan kung paano pa palalakasin ang maritime security ng bansa.


Tinawagang-pansin naman ni Robinson ang iba pang bansa na lumagda na sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), isang international treaty na magbabantay sa mga karagatan sa buong mundo.

Ang kasunduang ito ng 2 bansa ay epektibo hanggang sa susunod na tatlong taon.

Facebook Comments