Relasyong Dominic Roque at Bea Alonzo, confirmed na nga ba?

Usap-usapan ngayon sa social media kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Ito ay matapos mag-post si Dominic ng isang Tiktok video kung saan ay nagpunta siya sa isang Japanese restaurant at may ‘mystery girl’ siyang naka-holding hands.

May caption pa ito “Jap night is date night.”.


Pero kahit saglit lang ang pasulyap ni Dominic sa babaeng kasama niya, mabilis ang ilang fans na napansin ang relo na suot ng kaniyang ka-holding hands.

Ani ng iba, kapareho ang relo na madalas na suot ni Bea na suot din ng nasabing babae.

Matatandaan noong Abril, inamin ni Bea Alonzo sa panayam ni G3 San Diego na dating na nga ang status nila ni Dominic pero itinanggi nito na opisyal na silang magkasintahan.

Bago ang pag-amin ni Bea ay ilan beses na ding spotted ang dalawa na magkasama, pati sa ilang trips tulad ng Palawan at Japan.

Facebook Comments