RENEW | Pangulong Duterte, ni-renew ang kanyang gun license

Manila, Philippines – Ni-renew ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gun license.

Nabatid na kilala ang Pangulo bilang gun enthusiast.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, nag-apply ang Pangulo para sa National Bureau of Investigation o NBI clearance para sa renewal ng kanyang lisensya para magkaroon at humawak ng sariling firearms.


Sumalang aniya si Duterte sa biometrics clearance system ng NBI kung saan kinuhanan siya ng litrato, fingerprint at verification.

Bukod pa rito, kailangang ding sumailalim ang Pangulo sa drug test at neuro test.

Sa ilalim ng umiiral na firearms law sa bansa, ang mga gun owner ay kinakailangang i-renew ang kanilang lisensya kada dalawang taon.

Facebook Comments