REOPENING | PNP, handa na sa pagbubukas ng Boracay ngayong araw

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng isla ng Boracay ngayong araw, Oktubre 26.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, dinoble nila ang bilang ng mga pulis na naka-deploy sa isla para mapanatili ang seguridad doon.

Sinabi naman ni Western Visayas Regional Director, Chief Superintendent John Bulalacao na inaasahan na nila ang pagtaas ng krimen sa isla dahil na rin sa pagdasa ng mga turista.


Maliban pa rito ang posibilidad na maging attractive area ito para sa mga terrorist group.

Kasabay nito, nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) na mahigpit nilang ipinatupad ang “no compliance, no opening policy” at “no booking, no entry policy.”

Facebook Comments