Rep. Alan Peter Cayetano, inalok ni House Speaker Lord Allan Velasco na maging Deputy Speaker

1387

Inalok ni House Speaker Lord Allan Velasco si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ng posisyon sa Kamara.

Ayon kay Velasco, bukas siya na i-alok kay Cayetano ang pagiging Deputy Speaker o Chair ng isang congressional committee.

Naniniwala aniya siya na karapat-dapat si Cayetano na magkaroon ng posisyon lalo na’t nagsilbi na ito bilang Speaker ng Kamara.

Samantala, tiniyak naman ni Velasco na walang magiging pagpapalit sa mga Deputy Speaker at Committee chair hangga’t hindi pa nagbabalik ang sesyon sa susunod na buwan.

Una nang inihayag ni Velasco na nagkaayos na sila ni Cayetano matapos silang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Martes.

Facebook Comments