Manila, Philippines – Masama ang loob ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez sa anunsyong si Marinduque Representative Lord Alan Velasco ang pambato ng PDP-Laban sa pagka-house speaker.
Si Alvarez ay secretary general ng PDP-Laban at isa sa mga nagpahayag ng kagustuhan sa posisyon.
Ayon kay Alvarez – hindi raw siya nakonsulta hinggil dito.
Nagulat siya dahil sa mga napagkasunduan ay hihintayin nila ang magiging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas (June 28).
Facebook Comments