
Iginiit ni Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago na dapat maglabas ng public apology si Quezon City Rep. Bong Suntay.
Para kay Elago, hindi katanggap-tanggap ang naging pahayag ni Suntay sa pagdinig ng House Committee on Justice ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kwento ni Suntay sa hearing, ng makita nya sa isang mall ang aktres na si Anne Curtis ay nagkaroon sya ng imahinasyon kung ano ang pwedeng mangyari.
Diin ni Elago, ang pagbabahagi ni Suntay ng imahinasyon tungkol sa isang babae —anumang dahilan — ay tahasang pambabastos at pag-objectify sa kababaihan.
Ayon kay Elago, wala dapat lugar ang sexism at objectification sa mga kababaihan lalo kung kagagawan ng mga public officials.
Facebook Comments










