Rep. Bong Suntay, itinangging humihithit sya ng vape habang nasa plenary session ng Kamara

Mariing itinanggi ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay na sya ay humihithit ng vape habang nasa plenary session ng House of Representatives nitong October 10.

Ayon kay Suntay, ang makikita sa video na lumabas sa social media na hawak nya ay hindi isang vape kundi isang Breatheasy.

Paliwanag ni Suntay ang Breatheasy ay isang natural at ligtas na breathing exercise device na ginagamit para sa pagpapakalma at tamang paghinga.

Binigyang-diin ni Suntay na wala itong kemikal, usok, o baterya, at hindi ito ginagamit bilang vape o paninigarilyo.

Facebook Comments