Rep. Camille Villar, ikinalugod ang pagbasura ng Comelec sa vote buying complaint laban sa kanya

Nagpasalamat si House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar sa pagbasura ng Commission on Elections (COMELEC) sa reklamong vote buying laban sa kaniya.

Sabi ni Villar, napapanahon ang inilabas na desisyon ng Comelec lalo’t apat na araw na lang bago ang midterm elections kung saan siya ay kandidato sa pagkasenador.

Pagtiyak ni Villar, malinis ang platapormang kaniyang isinusulong para sa kaniyang adbokasiya na mapabuti ang buhay ng mamamayang Pilipino.

Una rito ay mariing itinanggi ni Villar ang alegasyong vote buying at ano pa mang election offense.

Ayon kay Villar, ang event sa Imus, Cavite kung saan nagkaroon umano ng pamamahagi ng pera sa pamamagitan ng raffle ay nangyari noon pang February 9, 2025 na hindi pa sakop ng campaign period.

Facebook Comments