Tuesday, April 21, 2026

Rep. De Lima, idinepensa ang pag-endorso nya ng dalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte

Idinepensa ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang pag-endorso nya ng dalawang magkahiwalay na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni De Lima, walang “prohibition” o hindi ipinagbabawal sa mga miyembro ng House of Representatives na mag-endorso ng higit sa isang reklamo impeachment.

Diin ni De Lima, walang nakasaad sa rules o patakaran, batas at sa Konstitusyon na isa lamang ang pwedeng i-endorsong impeachment complaint ng sinumang kongresista.

Unang indendorso ni De Lima, kasama si Akabayan Party-list Rep. Perci Cendaña, ang ikalawang impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain ng iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Tindig Pilipinas.

At ngayon araw naman ay inendorso ni De Lima ang ikatlong impeachment complaint laban sa bise presidente na inihain ng grupo ng mga pari, madre at mga abogado sa pangunguna ni Atty. Amando Ligutan.

Facebook Comments