Rep. Erwin Tulfo, tiniyak na makikipagtrabaho siya sa lahat ng mga senador anuman ang kanilang partido politikal

Tiniyak ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na hindi niya titingnan ang partido o kinaanibang panig ng politika ng mga senador na makatatrabaho niya pag-upo niya sa Senado.

Mensahe ito ni Tulfo sa harap ng pagkakasama niya sa unang anim na mga nangungunang senador na nakakuha ng mataas na boto sa katatapos na mid-term elections.

Ayon kay Tulfo, pagod na ang mga Pilipino sa mga away-politika kaya mainam na magkaisa ang mga senador sa paglilingkod sa bayan.

Diin pa ni Tulfo, ang pagkakaisa sa Mataas na Kapulungan ay kailangan para sa pagsugpo sa kahirapan, pagsasaayos ng serbisyong pangkalusugan, paglikha ng trabaho, pagsusulong ng hustisya, at pagpapaganda ng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments