
“No comment” si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, kung nakakausap pa nito si dating Ako Bicol Party-list Zaldy Co.
Ngayong araw din kasi sabay na ipinatawag ng komisyon si Rep. Zaldy Co para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Iginiit ni Romualdez ang layunin nitong makatulong sa paglalantad ng katotohanan sa isyu.
Aniya, wala umano siyang tinatago, walang dapat itago at handa siyang ibahagi ang lahat ng impormasyon na kanyang nalalaman kahit hindi na siya miyembro ng bicameral conference committee.
Nilinaw rin ng kongresista na tutulong ito sa pagpapalinaw ng isyu upang mapabilis ang imbestigasyon at agad na mailantad ang katotohanan.
Samantala, nagpasalamat naman si Romualdez sa imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) habang hanggang sa ngayon ay no-show pa rin si Zaldy Co sa Komisyon sa kabila ng subpoena na ipinadala ng ICI noong isang linggo.









