Repondents sa Dacera case, nagpaliwanag sa halikan nahuli sa CCTV footage

497

Ikinuwento ng dalawang respondents ang buong istorya sa likod mga CCTV footages kung saan nahuli sila kasama ang flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Valentine Rosales, si Dacera ang unang humalik sa kanya na nakunan ng CCTV.


Sinusubukan niyang buksan ang pintuan noon at pinipindot ang doorbell at sinunggaban siya ng halik ni Christine.

Iginiit naman ni Rommel Galido, mapusok si Christine lalo na kapag nalalasing.

Sinabi naman ni JP Dela Serna III na binuhat niya si Christine pabalik sa kaniyang kwarto mula sa kabilang kwarto.

Makikita rin aniya sa full video ng CCTV footage na tumayo si Christine sa harap ng pintuan ng kanyang kwarto para pindutin ang doorbell.




Facebook Comments