Report na may nakapasok na armado sa Sarangani pinabulaanan ng Militar

143

General Santos City—Pinabulaanan ng militar ang mga report na mayroong nakapasok na myembro ng mga bandido sa iilang bayan ng Sarangani Province.

Sinabi ni Colonel Tiny Banas, Commanding Officer ng 1002nd brigade Philippine Army na walang katutuhanan ang mga kumakalat na report na mayroong myembro ng Abu sayaff na nakapasok na ng Glan, at myembro ng break away group ng MILF naman sa Malapatan, Sarangani Province.


Sinabi ni Col Banas na matapos nilang makatanggap ng ganong mga impormasyon ay agad nila itong inimbistigahan pero lumabas na negatibo at walang katutuhanan.

Dahil dito pinayuhan ng nasabing opisyal ang mamamayan ng Sarangani na hindi kaagad maniwala sa mga ganoong report dahil posibling isa lamang itong pananakot sa publiko.

Facebook Comments