Report ng Bloomberg na nangulelat ang Pilipinas sa Global COVID-19 Resilience Ranking, tinabla ng NTF Against COVID-19

92

Tinabla ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang report ng Bloomberg kung saan kulelat ang Pilipinas pagdating sa Global COVID-19 Resilience Ranking.

Ayon kay Galvez, dapat pag-aralan muli ng Bloomberg ang kanilang ginagawang batayan lalo na’t sa ngayon ay patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Iginiit din ni Galvez na wala na sa 30 percent ng mga Intensive Care Unit (ICU) ang okupado ngayon at nagsisimula na rin tayong magturok ng COVID-19 booster shots.


Nauna nang sinabi ng Malacañang na epektibo ang pagtugon ng Pilipinas sa pandemya kung kaya’t lumago pa ng 7.1 percent ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2021.

Facebook Comments