Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, bumaba pa sa 1.22

44

Bumaba pa sa sa 1.22 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Batay sa Tweet ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, posibleng naabot na ng NCR ang pinakamataas na kaso nito.


Gayunman, kailangan aniyang mapanatili ang mga hakbang para mapababa pa ang mga kaso.

Bukod sa reproduction number, bumaba rin ang positivity rate sa 24% o mga nagpopositibo sa virus.

Facebook Comments