Reproduction number o bilis ng hawaan sa NCR, bumaba pa – OCTA

Bumaba pa muli sa 0.61 ang reproduction number o bilis ng hawaan sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng OCTA Research Group, naitala ito mula October 2 hanggang 8 na mas mababa sa 0.83 reproduction number noong September 25 hanggang October 1.

Maituturing namang low risk ang bagong datos na nangangahulugang bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa NCR.


Maliban sa reproduction number, as of October 8 ay bumaba na rin sa 2,140 ang naitatalang bagong kaso kada araw na mas mababa sa 3,627 mula September 25 hanggang October 1.

Facebook Comments