Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nananatiling nakaantabay ang rescue vehicles nila para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.
Ayon sa MMDA, nananatili ring nakaalerto ang kanilang mga team hanggang walang opisyal na pahayag ang PISTON sa pagtatapos ng tigil-pasada.
Nakatutok pa rin ang Inter-Agency Task Force Monitoring Team sa mga kaganapan sa ikalawang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON.
Patuloy rin ang monitoring ng MMDA Communications and Command Center katulong ang Local Government Units sa Metro manila.
Rumoronda rin ang mga bus ng ahensya sa Sucat Baclaran, Monumento/Quiapo, Philcoa/Doña Carmen, at Parañaque City Hall.
Facebook Comments