Research expedition para tukuyin ang mga coral reef at iba pang marine ecosystems sa WPS na nasira, isinasagawa

Nagpapatuloy ngayon ang pagsusuri ng Philippine Coast Guard (PCG), University of the Philippines (UP), at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lagay ng mga yamang dagat sa bahagi ng Kalayaan Island Group.

Ayon sa PCG, isinasagawa ang research project para sa pagbuo ng baseline biodiversity data sa naturang lugar mula February 22 hanggang sa February 28.

Layon nitong alamin ang diversity at community structure ng seaweeds, mollusks, at iba pang benthic invertebrates, idokumento ang mga seagrass sa reef flat ng Pagasa Island, at tukuyin ang mga prayoridad para sa reef restoration.

Bahagi rin ito ng hakbang ng Pilipinas para i-rehabilitate ng coral reefs o mga bahura at iba pang marine ecosystems sa bahagi ng West Philippine Sea.

Facebook Comments