RESHUFFLE | Balasahan sa MPD, uumpisahan na mamayang hapon

38

Manila, Philippines – Nakatakda ngayong araw ang opisyal na pagpapalit ng pinuno ng Manila Police District.

Ito ay matapos mailipat si Chief Supt. Rolando Anduyan, kilalang bayani ng Marawi sa bago nitong assignment sa Northern Police District.

Hahalili naman sa kanya sa Lungsod ng Maynila ang ang dating Topcop ng Lungsod ng Davao na si Sr. Supt. Vicente Danao Jr. base na rin inilabas na kautusan ng pamunuan ng PNP.

Alas 3 y medya ang simula ng Turn Over Ceremony kung saan pangungunahan ito ng dating MPD Chief na si Chief Supt. Napoleon Coronel.

Ang bagong hepeng ng Manila Pilice District ay dati nang na nakatalaga sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Appointed din ito ng Malacañang bilang Commander ng National Anti-Illegal Drugs Task Force, sa ilalim ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) noong April 27, 2017.

Facebook Comments