RESIDENTE NG BANI, PATULOY ANG PANAWAGAN NA MASOLUSYUNAN ANG PROBLEMA SA SUPLAY NG TUBIG

Hindi napigilan ng mga residente mula sa iba’t-ibang barangay ng Bani na umalma sa ipapatayong bagong pamilihan dahil nararapat na mas unahin umano ang pagtatatag ng stable na suplay ng tubig sa bayan.

Ayon sa mga residente, matagal na silang naghihintay ng solusyon sa problema ng tubig sa bayan dahil sa loob ng labing limang taon ay marami na umano nangakong reresolbahin ito ngunit hindi pa rin naisasakatuparan hanggang sa kasalukuyan.

Pasakit umano ang araw araw na pag-iigib nila kung saan saan at madalas ay napipilitan pang magbayad ng P100 kada drum upang may magamit lamang na tubig.

Ilan lamang sa mga barangay na lubhang apektado umano ay ang Brgy. Garrita San Miguel at Tiep.

Kaugnay nito, inihayag ng lokal na pamahalaan na sisimulan na pagkatapos ng eleksyon ngayong taon ang multi-year project na patubig sa ilang barangay matapos mapondohan ng P40 million mula sa Department of Public Works and National Highways.

Pagtitiyak ng tanggapan na pangmatagalang solusyon sa naturang problema at humiling ng pang-unawa sa mga residente dahil maaaring hindi pa maramdaman ang epekto ng proyekto.

Umaasa naman ang mga residente na mapapabilis ang proyekto upang matuldukan na ang problema sa suplay ng tubig sa bayan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments