RESIDENTE NG BRGY. DISIMURAY, NABENEPISYOHAN NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL

Cauayan City – Naghatid ng libreng serbisyong medikal ang City Health Office 2 sa mga residente ng Brgy. Disimuray, Cauayan City, Isabela.

Sa nabanggit na aktibidad, nagkaroon ng TB Caravan kung saan libreng Chest X-ray, GeneXpert, HIV Screening, at PPD Screening ang hatid para sa mga residente ng nabanggit na barangay maging sa mga residente ng karatig lugar.

Maliban dito, tampok rin ang PuroKalusugan na mayroong 8 Priority Health Programs na kinabibilangan ng immunization, nutrition, water supply, sanitation and hygiene (WASH), maternl health, tuberculosis at HIV testing, road safety, digitalization, noncommunicable diseases partikular na sa hypertension at diabetes, at cancer.


Ang mga residenteng nangangailangan ng serbisyong medikal na nakilahok sa aktibidad ay sumailalim sa libreng konsulta, laboratoryo, at nabigyan ng libreng gamot na angkop sa kanilang karamdaman.

Katuwang naman ng CHO 2 sa pagsasagawa ng aktibidad ang Department of Health, Philhealth, LGU Cauayan, at Provincial Government of Isabela.

Facebook Comments