
Cauayan City — Isang talakayan ang isinagawa ng Jones Police Station katuwang ang 86th Infantry Battalion sa Sitio Dipinit, Brgy. Dicamay 2,Jones Isabela matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng puwersa ng kasundaluhan at mga rebelde sa nabanggit na lugar.
Ang naganap na talakayan ay ikinasa upang mas mapalakas pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa kaligtasan ng komunidad, kamalayan laban sa insurhensiya, at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga sibilyan sa mga otoridad.
Aktibong nakibahagi sa aktibidad ang mga residente at opisyal ng barangay kung saan sila ay tinuruuan kung paano matukoy ang kahina-hinalang kilos at ang tamang paraan ng pagrereport sa kinauukulan.
Maliban dito, ibinagay rin ang mga numerong maaaring tawagan sakali man na may emergency.
Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at tamang impormasyon laban sa anumang karahasan.
Sinisiguro ng Jones Police Station at 86th Infantry Battalion na tuluy-tuloy ang kanilang pagbibigay-proteksyon sa komunidad, kaya naman hinihiling rin nila ang kooperasyon ng mamamayan na manatiling alerto, makipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan.