Residential area sa San Andres Bukid sa Maynila, nasunog

San Andres Bukid, Manila – Sa kabila ng malakas na ulan, isang sunog ang naganap sa residential area sa San Andres Bukid, Maynila.

Alas-7:59 kaninang umaga nang masunog ang isang bahay sa Estrada Street kung saan itinaas ito ikatlong alarma.

Makalipas ang halos isang oras, idineklara itong fire under control, at higit dalawampung bahay na pawang gawa sa light materials ang tinupok ng apoy.


Wala namang naiuulat na nasugatan dahil mabilis nakalikas ang mga residente sa barangay.

Bukod sa mga nabanggit na bahay, nadamay pa sa sunog ang dalawang unit sa ika-4 na palapag ng katabing condominium.

Aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan na pansamantalang mananatili sa itatayong tent sa Zobel Street.

Facebook Comments