Resignation letter ni PhilHealth Chief Ricardo Morales, natanggap na ng Office of the President

63

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natanggap na ng Office of the President ang resignation letter ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Si Morales ay itinalaga bilang pinuno ng PhilHealth noong Hulyo 2019 at dati ring miyembro ng board ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay Roque, mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ang tumanggap sa resignation letter ni Morales.

Aniya, hinihintay pa nila ang susunod na aksyon o direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Mababatid na ang pagbibitiw ni Morales ay sa harap na rin ng alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

Nauna nang nagpaabot ng pasasalamat si Morales sa tiwala sa kaniya ni Pangulong Duterte at sa pagpayag nito na makapagpahinga sa trabaho para matutukan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments