Resigned BuCor chief Delos Santos, pabor sa appointment kay BuCor OIC Rey Raagas

49

Manila, Philippines – Pabor si resigned Bureau of Corrections Director Benjamin Delos Santos sa pagkakatalaga kay BuCor Officer-In-Charge Rey Raagas.

Ayon kay Delos Santos, sa katunayan siya ang nagrekomenda para ipalit sa kanya sa Bureau of Corrections si Raagas.

Sa kabilang dako, dumistansya naman si Delos Santos sa report na posibleng si dating PDEA chief Dionisio Santiago ang italagang bagong BuCor DG.

Noong nakaraang linggo, nagbitiw sa pwesto si Delos Santos matapos ibunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang panunumbalik ng drug trade sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Samantala, tumanggi muna si BuCor OIC Raagas na magbigay ng komento sa appointment sa kanya.

Facebook Comments