RESIGNED | Director ng PNPA, nagpaalam na magbitiw sa pwesto matapos ang insidente ng pambubogbog sa loob ng akademya

263

Manila, Philippines – Nagpaalam na magbibitiw sa kanyang pwesto bilang Director ng Philippine National Police Academy si Police Chief Supt. Joseph Adnol matapos ang nangyaring pambubogbog sa loob ng Akademya.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, matapos na tumawag sa kanya si Adnol nitong weekend at magbibitiw na sya sa pwesto.

Aniya, ayaw niyang mapahiya at hindi nya kagustuhan ang pangyayari, hindi raw siya handa sa ganitong sitwasyon dahil wala naman daw ito noong panahong siya pang kadete sa PNPA.

Pero hindi tinanggap ni Dela Rosa ang resignation ni Adnol at sinabing hindi kasalanan ng opisyal ng insidente, ngunit pinatitiyak nitong dapat na magsagawa ng maayos na imbestigasyon at pinahihinto nito ang anumang hindi magandang tradisyon sa akademya sa kabila na hindi nila sakop ang pamamalakad sa akademya.

Facebook Comments