RESIGNED | NYC Chair Aiza Seguerra, nagbitiw na!

148

Manila, Philippines – Magbabalik sa music industry ang singer-actor na si Aiza Seguerra matapos na magbitiw bilang Chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Sa isang panayam, sinabi ni Seguerra na personal ang dahilan ng kanyang pagre-resign pero hindi niya ito binanggit.

At kahit nag-resign, patuloy pa rin daw niyang susuportahan ang NYC.

Nabatid na March 5 pa nang naghain ng resignation si Seguerra pero sa April 5 pa ito magiging epektibo.

August 2016 nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Seguerra sa NYC.

Matatandaang isa si Seguerra at ang asawa niyang si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Diño sa mga nangampanya noong eleksyon para kay Duterte.

Facebook Comments