RESIGNED | Resigned Justice Assistant Secretary Macarambon, susulat sa Pangulong Duterte

32

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagbitiw na sa pwesto si Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. kasunod ng panawagan sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign na.

Sabi ni Guevarra, usapin na ito ng trust and confidence sa pagitan ng Pangulo at ng kanyang mga iniluklok sa pwesto.

Kuwento pa ni Guevarra, sa kanyang pagkaka-alam ay may napili na ang Pangulo ng kapalit ni Macarambon sa DOJ.

Bago rin nito sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinagbibitiw na mismo ni Pangulong Duterte ang dalawang assistant secretaries dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian at korapsyon.

Bukod aniya kay Macarambon pinag-re-resign na rin ng Pangulo si DPWH Assistant Secretary Tingagun Umpa.

Facebook Comments