RESIGNED | Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, nagbitiw na sa pwesto

66

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Tourism Assistant-Secretary Ricky Alegre alinsunod sa kautusan ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay Alegre, ito ay para magbigay daan kina Pangulong Rodrigo Duterte at Puyat na pumili ng karapat dapat na magsilbi sa Department of Tourism (DOT).

Aniya, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niyang magbitiw lalo at nagsisilbi lamang sila sa Pangulo.

Setyembre taong 2016 nang italaga si Alegre bilang assistant-secretary sa DOT.

Una nang inutos ni Puyat na magsumite na ng courtesy resignation ang lahat ng undersecretary at assistant secretary ng kagawaran.

Facebook Comments