Resolusyon Para Maimbestigahan Ang Kontrobersyal Na Pelikulang Oro, Ihahain Sa Senado

5

MANILA – Maghahain si senate majority leader Tito Sotto ng resolusyon para maimbestigahan ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng pelikulang ‘Oro.’Bukod ditto, maghahain din siya ng hiwalay na resolusyon para sa pagkakaroon ng hiwalay na film festival para sa mga independent movie producers na isasagawa sa gitna ng bawat taon.Magugunita na bago ang holiday break ng senado, pinuna ni Sotto ang hindi pagkakapili ng mga pelikulang pambata para sa 2016 Metro Manila Film Festival.Nauna nang binatikos ang pelikulang ‘Oro’ dahil sa isang eksena kung saan nakita ang brutal na pagpatay sa isang aso at nagbunga ito ng pagkakabawi sa iginawad na Fernando Poe Jr., memorial award sa pelikula.

Facebook Comments