Resolusyon para sa pagdaraos ng digitalized Bar Exam sa Nobyembre, inaprubahan na ng Supreme Court

34

Inilabas na ng Supreme Court En Banc ang resolution na nag-aapruba sa digitalized, localized, at proctored modality ng Bar Examinations na idaraos sa Novembet 7, 14, 21, at 28, 2021.

Kasunod ito ng isinagawang Pilot (mock) Bar Examinations o small-scale simulation para malaman kung may mga dapat na baguhin o plantsahin sa pagdaraos ng aktwal na Bar Exam.


Ang proposals naman para sa local testing sites tulad ng law schools at iba pa ay isasaillaim sa evaluation at kailangan ng sertipikasyon.

Ang minimum requirements naman ay ilalabas sa susunod na linggo at ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang sa Abril.

Pagkatapos nito, ang audit teams, na kinabibilangan ng personnel mula sa Office of the Bar Chairperson, Office of the Bar Confidant, Management Information Systems Office, at Security Division, ay ide-deploy para mag-evaluate sa mga testing sites.

Ang certified testing sites naman ay iaanunsyo bago magsimula ang panahon ng aplikasyon sa mga kukuha ng Bar Examinations.




 

Facebook Comments