Resolusyong humihiling sa pagpapalaya kay Sen. Leila De Lima, aprubado ng US Senate Committee  

Inaprubahan na ng Komite sa US Senate ang resolusyong humihiling sa pagpapalaya kay Sen. Leila De lima.

Ayon kay US Senator Dick Durbin, pasado na sa kanilang Foreign Relations Committee ang resolusyon ni Sen. Ed Markey.

Pagkondena aniya ito sa pagpapakulong kay De Lima at sa harrassment na natatanggap ni Rappler CEO Maria Ressa.


Nagpasalamat naman si De Lima sa US Senator.

Pinalagan naman ni Sen. Bong Go ang tila panghihimasok ng Estados Unidos sa Internal Political Affairs ng Pilipinas.

Facebook Comments